Ang pag-ikot ng mundo’y ‘di tumitigil
Kahit na lumipas ang panahon natin
Kahit na lumawak ang distansya sa’tin
Mga katanungan ay ‘di papapigil
Bakit natin nasasaktan ng ‘di sadya
Ang mga taong importante sa atin?
Tila plinano na ito ni tadhana
Kahit anong pag-ingat ang ating gawin
Bakit nga ba natin pinapakawalan
Ang taong ‘di natin kaya mawala?
Kapag mahal ka ay ipaglalaban ka,
Ngunit ako ay bigla-biglang nang-iwan
Bakit nga ba kasi natin ginugusto
Ang taong walang pakialam ng husto?
Sana pwedeng ibalik mga panahon
Kung sa’n mas masaya tayo kaysa ngayon
Siguro nga sa huli ang pagsisisi
Pasensya na’t nasaktan kita ng grabe
Bigyan mo kaya ‘ko ng pagkakataon?
Isang tanong na mananatiling tanong
May mga bagay na ating ginugusto
No comments:
Post a Comment