Lahat ng bagay mayroong katapusan
Gaya ng isang bulaklak sa damuhan
Darating ang araw na malalanta ‘to
Ngunit ‘di tulad ng pag-ibig ko sa’yo
Ilang taon na nga ba ang nakalipas?
Nang ika’y nang-iwan at ako’y umiwas
Sa mga luhang papatak sa ‘king mata
Dahilan ng pagkabuhay ay nawala
‘Wag kang mag-alala dahil tanggap ko na
Sarili’y matagal ko nang inihanda
Alam ko namang dadating ang araw na
Ika’y biglang mawawala parang bula
Sanay na ako sa ganitong sitwasyon
Sa’yo’y ako lamang isang konsumisyon
Sa kanya’y ano nga ba ang panlaban ko?
Siya ay apoy, ako ay hamak na abo
Sa mundong ito ay aking napagtanto
Mayroong iba’t-ibang klase ng tao
Mayroong nagmamahalan gaya ninyo
Mayroong din na nasasaktan tulad ko
No comments:
Post a Comment